Friday, July 31, 2015

PUSO O UTAK?

di ko alam kung saan ako magsisimula. saan nga ba ako dapat magsimula? nagmahal ako, oo nagmahal akong totoo. ginamit ko ang puso ko. buong puso ko ngunit sa huli nasaktan akong lubos. nagmahal ako, ginamit ko ang utak ko, nakasakit lamang. san nga ba ako dpat lumugar? sa masasaktan ako o dun sa makakasakit ako? mahirap mang isipin, pero mas mahirap mamili. gusto kong magmahal. sino ba naman ang ayaw mag mahal? ngunit bakit ganito? sa tuwing nagmamahal ako, ako yung laging tanga at naiiwan. bat sa tuwing ako yung nagmamahal ako yung talo? bat ako ang naiiwan? siguro ganito lang tlaga may mga bagay na sadyang di magiging atin. mga taong di magiging atin. PUSO, magmamahal ako gamit ang aking puso pero ayaw ng UTAK ko. bat ganun? di ba sila pwedeng magkasundo? bat ganito, bat unti unti akong nahuhulog? ayaw ko ng ganito. ayaw kong masaktan ayaw na ayaw ko. takot ako, takot na takot ako ngayon. kso wala eh. umaasa ako. tanga ulit? sorry ah, ikaw ba? puso o utak?

No comments:

Post a Comment